Hamon sa Makabagong Kabataan

Katoto, magnilay-nilay ka sandali at isipin kung ano nga ba ang dapat isagot sa mga tanong na ito – mga tanong na pangkaraniwan ngunit sadyang napapanahon sa kalagayan, hindi lang ng sarili mo kundi pati na rin bansa mo.

ANO ANG MAS MAHALAGA?

Tanga mong puso o bayan mong sawi?

SINO ANG MAS NAKAKAAWA?

Ikaw na nabigo sa pag-ibig o ang mga batang lansagan na walang makain?

ANO’NG MAS KAILANGANG HANAPIN?

Damdaming tila naglaho o mga taong dinukot na lang bigla?

ANO’NG MAS KAILANGANG MAKAMIT?

Pag-ibig na sa iyo’y magpapaligaya o pagkakaisang magbubuklod sa lahat?

Maraming problema ang ipunan. Totoo ‘yan. Magdarama ka pa ba sa mga sarili mong kalungkutan?

Ito ang hamon sa iyo, sa akin, at maging sa kanya. Ito ang hamon sa Makabagong Kabataan.

One Response to Hamon sa Makabagong Kabataan

  1. nakakapukaw ng damdamin ang iyong sanaysay..magaling

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>