Madalas tayong makatanggap ng mga quotes sa ating cell phone, mapa-inspirational o love man ‘yan. Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit binansagan tayong “Texting Capital” ng buong mundo. Kung iisipin mo, ang titulong ito ay maaaring maging papuri o insulto, depende sa pananaw ng taong mag-iisip. Pero hindi iyan ang pokus ng artikulong ito. Nais ko lang maglagay ng isang panimulang kapupulutan ng aral.
Naka-unli ka ba? Kung oo, i-send mo na ang mga quotes na ito:
LOVE QUOTE:
May isang girl na malungkot..
Boy: Alam mo ba, ikaw ang ikalawang pinakamagandang babae na nakilala ko.
Girl: Eh sino ‘yung pang-una?
Boy: Ikaw…pag naka-smile!
INSPIRATIONAL QUOTE:
God created all things great, even endings. So if you are currently not feeling good… Cheer up! It’s not yet the END.
JOKE:
Dalawang aso naguusap:
ASO 1: Pare, totoo ba na may rabies ang laway natin at nakakamatay daw?
ASO 2: O eh ano namang problema?
ASO 1: Nalunok ko eh…kinakabahan ako.
